Legendary Pinoy Pokemon MANIPAK
TYPE: Fighting
HEIGHT: 5’6”
WEIGHT: Depends on the opponent
AREA: Sa boxing ring; sa mga TV commercials
CRY: Y’know!
ABILITY: Elemental Sapak
Sobrang bilis sumuntok ni MANIPAK, na ang akala mo’y isa lang ay tatlong sunud-sunod na suntok pala. Pinalilibutan sya ng mga gloves ng iba’t ibang elemento na ginagamit niya depende sa kalaban. Kayang gayahin ni MANIPAK ang timbang ng makakaharap nito. Dudugo ang ilong mo kapag ikaw ay nasuntok o nakausap nito sa wikang banyaga.
