Pinoy Pokemon 038

P038 - HARANGGOLA
TYPE: Electric/Flying
HEIGHT: 2’3”
WEIGHT: 5.5 LBS
AREA: Sa mga kawad ng kuryente
CRY: Harannnnnngggg!
ABILITY: Pisi Cutter!
May bubog ang buntot ng mga HARANGGOLA kaya hindi sila madaling mahuli. Mahilig sila sa malalakas na bugso ng hangin at sa mga kawad ng kuryente, kung saan sila kumukuha ng lakas para lumipad. Matayog ang lipad ng HARANGGOLA, sintayog ng pangarap ng matandang bingi.
Napanood ko sa Discovery Channel na ang beer ay binubuo ng apat na sangkap.
Kaya nung nag-almusal ako ng
at tinapay, naisip ko..

Isang sangkap na lang, para na rin akong nag-beer ;)
Happy Oktoberfest sa lahat!
Pinoy Pokemon 027
Syempre hindi pwedeng mawala ‘to!

P027 - BALUUT
TYPE: Normal
HEIGHT: 1’
WEIGHT: 20 LBS
AREA: Sa kanto ‘pag gabi; sa Fear Factor
CRY: Baluuuuut!
ABILITY: Amniotic Wisik
Parang ninja ang mga BALUUT dahil mabilis silang kumilos at sa gabi sila madalas umatake. Maraming foreigners ang takot sa kanila lalo na pag pinakita nila ang itsura sa loob ng shell nila. Hindi nakakalipad ang mga BALUUT pero mataas silang tumalon, dahil siguro sa tibay ng mga tuhod nila.