Go Back to Start
My First Komikon
Bumili ako ng isang Kubori comic, isang maikling indie comic at muntik na—kung nagpadala lang ako sa sales talk ni Sir Manix—isang Kikomachine shirt.
Syurbol sa November pupunta ulit ako. At sana sa darating na panahon (in the near future, ganun) makasali rin ako! Yeh mehn! Mabuhay ang Pinoy Komiks!
Si Dodon ng Kubori Kikiam © Point Zero and its creators
Yung korni na tusok-tusok ang buhok sa Kikomachine Komiks © Manix Abrera
P.S.
Kasali dapat ako sa Mang Larry’s collab post nila Gelo at Yas (part 2 ng Rodic’s tapsi collab post), kaso di umabot yung comic strip na hindi ko pa nadodrowing. Hehe.
Paalam Pilipinas: The Sugarfree Farewell Concert Set List
Dahil bawat tinugtog nilang kanta, may linya na bagay sa gabing yun.
Kilala ko ang Sugarfree bilang isang banda na may malupit na songwriting skills. Lahat na yata ng anyo ng pag-ibig ginawan ni Ebe ng metaphor. Mapapa-oo ka na lang dahil tama yung ikinukumpara nya, matatawa ka dahil nangyari na sa’yo yun, at mapapakamot ka na lang ng ulo dahil hindi mo alam pano nya naisip yung linya na yun. (Yung mga medyo emo, napapapikit tapos humahawak sa dibdib, ganun)
Andun ako nung huli nilang concert, bilang pasasalamat na rin sa pagiging malaking impluwensya nila sa musika namin. Noong concert ko lang din nalaman na nasubaybayan ko pala talaga sila, dahil isa lang dyan sa mga kanta sa taas ang hindi ko talaga alam.
23 lines from 23 songs. In the exact order they were played. (Sabi ng listahan ko hehe) Tingnan niyo kung ilan dyan ang alam nyo nang hindi naggu-google :D